by Merch C.
Kung may isang lugar sa mundo na kayang magpataas ng presyo ng gasolina, magpa-roller coaster ng stock market, at magpa-init ng tensyon sa pagitan ng mga bansa — ito ang Strait of Hormuz.
Isang makitid na daanan sa pagitan ng Iran at Oman, at dito dumadaan ang halos 20% ng oil supply ng buong mundo.
Ibig sabihin: kung may aberya dito, ramdam ng buong planeta.
Konting tensyon lang — military threats, sanctions, o tanker attacks — boom!
Tataas agad ang presyo ng langis.
At dahil oil ang lifeblood ng global economy:
tataas ang presyo ng gasolina
tataas ang presyo ng LPG
tataas ang presyo ng bilihin
tataas ang cost ng transport at logistics
Kaya kahit nasa Japan, Philippines, Europe, o US ka, ramdam mo ang epekto.
Kapag may gulo sa Hormuz :
nagpa-panic ang investors
tumataas ang energy stocks
bumabagsak ang broader markets
lumalakas o humihina ang currency ng mga oil-importing countries
Countries like Japan, South Korea, India, at China — na heavily dependent sa Middle Eastern oil — unang tinatamaan.
Hindi mo kailangan maging economist para maramdaman ang epekto.
Halimbawa :
tumataas ang LPG → mas mahal magluto
tumataas ang fuel → mas mahal ang delivery at transport
tumataas ang bilihin → mas mabigat sa bulsa
Isang chokepoint sa Middle East, pero apektado ang hapag-kainan ng bawat pamilya.
Ang Strait of Hormuz ay parang chessboard ng mga malalaking bansa :
Iran
United States
Gulf countries
Israel
Global naval powers
Kahit “soft disruption” lang — tulad ng pagbagal ng shipping — puwedeng mag-trigger ng diplomatic conflict o military standoff.
Kapag hindi makadaan ang oil tankers :
rerouting thousands of miles
mas mahal ang shipping
mas mataas ang insurance
mas mabagal ang supply chain
Apektado ang aviation, manufacturing, logistics — halos lahat ng industriya.
Ang Strait of Hormuz ay reminder na minsan, ang pinakamaliliit na lugar ang may pinakamalaking epekto sa mundo.
Kapag may nangyari dito :
tumataas ang presyo
nagiging unstable ang markets
lumalala ang geopolitical tension
naaapektuhan ang buhay ng ordinaryong tao
Isang chokepoint na literal na humahawak sa pulso ng global economy.
(Source : ABP News; Reuters; Goldman Sachs; UNCTAD; Federal Reserve Bank of Dallas; Open Magazine; CBS News; ZAWYA; The Times of India )
Posted : 25 March 2026
Download Now !